Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 tiklo sa P448K shabu

0 88

Nalambat ng pulisya ang dalawang umano’y tulak matapos iskoran ng shabu ng isang pulis na nagresulta sa pagkakasamsam ng mahigit sa P400,000 halaga ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa San Mateo, Rizal noong Miyerkoles.

Kinilala ni Rizal Police Provincial Director, Police Colonel Dominic L. Baccay ang mga suspek na sina Lucky Saavedra, 27-anyos, residente ng Salamat St., Matahimik Compound at Rodsan Amparo, 32-anyos ng Kalayaan St., pawang sa Brgy. Ampid 1, San Mateo, Rizal.

Kinalawit ang mga ito nang sumayad ang marked money sa kanilang palad para sa iniskor na shabu ng pulis na umaktong buyer sa kahabaan ng Gen. Luna Highway sa nasabing lugar bandang alas-4:45 ng madaling-araw.

Nakumpiska sa mga ito ang 66 gramo ng shabu na nakatarya sa 11 piraso ng plastic sachet na nagkakahalaga ng P448,800, P500 marked money at tatlong P100 bill. Nakakulong ang mga suspek sa Rizal detention cell at kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.