Una sa Balita

2 tigok sa militar vs NPA

0 326

DALAWANG miyembro ng New People’s Army (NPA) ang ­nasawi sa engkwentro kontra tropa ng gobyerno kahapon sa Barangay Taopon, Panganiban sa Catanduanes.

Sa ulat na ipinadala ng 9th Infantry Division ng ­Philippine Army, ala-1:20 nang madaling araw ­nagsasagawa ng combat ­operation ang mga tauhan ng 83rd infantry ­battalion ng Philippine Army at Police Mobile Force ­Company sa nasabing barangay nang ­makasagupa ng mga ito ang ­tinatayang pitong NPA.

Tumagal ng halos ­sampung ­minuto ang palitan ng putok na sanhi ng pagkamatay ng dalawang rebelde na inaalam pa ang mga pangalan na n­akuhanan ng isang AR15 rifle.

Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa panig ng tropa ng pamahalaan.

(Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy