Una sa Balita

2 Thailand national arestado sa ₱20M shabu

0 457

MAHIGIT sa P20 mil­yong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa dalawang babaeng Thailand national sa dalawang buy-bust operation sa Pasay at Makati.

Unang nahuli si Narumon Sukkato, 30, sa loob ng isang fast food chain sa loob ng isang mall sa Pasay City, alas-12:15 kamakalawa ng hapon.
Isa sa mga tauhan ng PDEA ang nagpanggap na bumili ng halagang P1,000 shabu sa suspek.

At nang aktong iaabot na nito ang nasabing halaga ng droga dito na dinakma ng iba pang mga awtoridad na ikinagulat ng suspek at hindi na ito nakapalag.

Nakumpiska mula sa babaeng dayuhan ang 200 gramo ng shabu na nagkakahalagang P1,200,000.

Sa follow-up operation ng awtoridad nadakip din ang isa pang dayuhan na nakilalang si Kanokrat Jampangoenm, 36. Ala-una ng hapon nang maaresto ito sa Enrique St., Palanan, Makati City nang magbenta din ito ng shabu ng halagang P1,000 sa isa ring nagpanggap na buyer.

Nakumpiskahan din ito ng 3,000 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400,000.00,

Sa ngayon ay isinasailalim sa imbestigasyon ang dalawang dayuhan. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More