2 teenager nalibing nang buhay

By

Nailibing nang buhay ang dalawang teenager matapos matabunan ng gumuhong lupa kamakalawa sa Lavezares, Northern Samar.

Sa report na ipinarating sa Camp Aguinaldo kahapon, patay na nang mahukay mula sa pagtabon ng maputik na lupa ang mga biktimang sina Elmer Abayon at Jonnel Nabor, kapwa 17-anyos, ng Barangay Kalabog, Victoria, Northern Samar.

Ayon kay Northern Samar Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) head Rei Echano, gumagawa ang mga biktima sa isang construction site sa Libas Elementary School nang gumuho ang lupa dahilan para sila matabunan.

Napag-alaman na ilang araw nang walang tigil ang ulan sa lugar marahil dahilan ng paglambot ng lupa kaya gumuho ito.

Nakatakdang sampahan ng kaso ang construction firm na pinagtatrabahuhan ng mga biktima dahil sa malagim na sinapit ng mga ito. 

SHARE