Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 takas na Koreano nasukol

0 36

Dalawang puganteng Koreano na pinaghahanap ng mga awtoridad sa Seoul dahil sa umano’y pandaraya at pagtutulak ng droga ang nasakote ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI).

Sa ulat kay BI Commissioner Jaime Morente, kinilala ang dayuhan na si Noh Kyungwoo, 36, naaresto noong Martes sa kahabaan ng F.B. Harrison Street, Pasay.

Ang isa pang pugante ay kinilalang si Kwon Soonho, 53, inaresto kinabukasan sa Hall of Justice Bldg. sa Angeles City, Pampanga.

Ang dalawa ay inaresto sa bisa ng mission order na inilabas ni Morente. Nakakulong na sila sa BI detention facility sa Taguig habang hinihintay ang paglilitis ng kanilang deportas­yon.

Sa rekord ng BI, si Noh ay mayroong 2014 arrest warrant mula sa Daejeon district court matapos kasuhan ng panloloko, habang si Kwon ay may 2019 arrest warrant galing Seoul central district court matapos kasuhan dahil sa pangangalakal at pagbibigay ng psychotropic na droga. (Mina ­Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.