Una sa Balita

2 Taal bakwit dedo

0 375

NADAGDAGAN ang bilang ng nasawing bakwit dahil sa pagsabog ng Bulkang Taal habang nasa evacua­tion center sa Batangas.

Parehong nagmula sa bayan ng Talisay ang mga nasawi at pansamantalang nakatira sa Sto. Tomas.

Batay sa report ng Provincial Disaster Risk Reduction ang Management office, Miyerkoles ng madaling-araw nang malagutan ng hininga ang biktimang si Elmer Salvia, nang tamaan ng stroke, dinala siya sa pagamutan pero nasawi rin.

Nasawi naman sa Batangas Medical Center ang isang pang evacuee na si Vivencia Dalisay Miyerkoles ng umaga.

Itinakbo ito sa ospital noong Sabado, Enero 18, matapos makaramdam ng pananakit ng tiyan.

Ayon sa doktor, anemia at upper gastro intestinal bleeding ang dahilan ng pagkasawi ng pasyente.

Hanggang nitong Huwebes, umabot na sa lima ang naitalang nasawi sa mga evacuee dahil sa iba’t ibang karamdaman. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More