2 suspek sa pinatay na radioman arestado
LAGLAG sa kamay ng mga awtoridad ang dalawang suspek na responsable sa pagpatay sa radio broadcaster na si Dindo Patrimonio Generoso sa Dumaguete City matapos ang isinagawang follow-up operation Huwebes ng gabi.
Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Teddy Reyes Salaw, 44, residente ng Batinguel, Dumaguete City, nakuha sa pag-iingat nito ang isang kalibre .45 baril na puno ng bala, at Glenn Corsame, retiradong pulis, drayber ng motorsiklong ginamit sa pagpatay sa broadcaster, ito ay nadakip sa kanyang bahay sa Brgy. Banilad ng nasabing lungsod.
Habang pinaghahanap pa ang umano’y gunman at aktibong miyembro ng PNP na si PCpl. Roger Rubio, nakatalaga sa 1st Provincial Mobile Force Company ng Negros Oriental Police Provincial Office.
Related Posts
Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon kung ano ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima habang kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa CIDG Regional Force Unit para sa tamang desposisyon.
Matatandaang pinagbabaril ang biktimang si Generoso, broadcaster ng DYEM 96.7 Bai Radio dakong alas-7:30 ng umaga nitong Huwebes sa kahabaan ng Hibbard Avenue, Brgy. Piapi, Dumaguete City. (Edwin Balasa/Prince Golez)