Una sa Balita

2 suspek sa Manila bomb try hawak na ng pulis

By ,
0 311

Isinasailalim sa masu­sing interogasyon ng Manila Police District (MPD), ang dalawang “Person of Interest” o (POI) na natagpuan sa iniwang pampasabog malapit sa may United State Embassy noong Lunes sa Maynila.

Tumanggi si MPD Director PS/Supt. Joel Coronel na ipakita sa mga mamamahayag ang dalawang inimbitahang POI, gayunman kinumpirma ni National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde na nasa MPD Headquarters na ngayon ang dalawang lalaki na hawig sa ipinalabas na cartographic sketch ng Philippine National Police (PNP).

Ang mga naturang POI na inimbitahan mula sa Bulacan, Bulacan at Caloocan City.

Nabatid na iyong taga-Bulacan na tubong Marawi City ay inimbitahan kamakalawa ng gabi, habang ang taga-Caloocan naman ay ­kahapon ng umaga.

Natunton ang dala­wang POI sa pamamagitan ng cartographic sketch at mga nakuhang impormasyon mula sa intelligence community.

Nakadepende umano sa ilalahad ng dalawa kung mayroon pa silang tutuntuning ikatlong tao na posibleng kunektado sa ginagawang imbestigasyon.

Una nang inihayag ni Sr. Supt. Romeo Caramat, Bulacan police provincial director, na dinakip at matapos ang imbestigasyon ay dinala na ito sa MPD.

Una nang inilabas ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald dela Rosa ang artist sketch ng suspek sa isang press confe­rence sa Camp Karingal sa Quezon City kamakalawa ng hapon.

Base sa nakalap na impormasyon, sakay ng taxi, itinapon ng suspek ang IED na may 81MM mortar sa isang basurahan sa Baywalk na natuklasan naman ng isang street sweeper dahilan para mai-detonate ito ng bomb squad.

Ani Dela Rosa, posi­bleng iisa lamang ang grupong nasa likod ng nag-iwan ng bomba ­malapit sa US Embassy at mga may kagagawan ng Davao bombing noong Setyembre na inako ng Maute Group.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More