Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 sunog sumiklab sa Cavite

0 74

DALAWANG magkasunod na sunog ang nagliyab sa magkahiwalay na lugar sa Cavite, Martes ng umaga. Sa ulat, unang sumiklab ang sunog sa Golden Mile Complex sa Barangay Maduya, Carmona, Cavite na nagsimula alas-9:26 ng umaga, at naapula alas-11:13 ng umaga.

Kabilang sa mga nilamon ng apoy ang Kabisig Cooperative na pagmamay-ari ng isang Mike Navera at Reliance Producer Cooperative na pagmamay-ari ng isang Roland Talagtag.

Hindi pa man nakokontrol ang sunog sa Carmona aysumiklab ang isa pang sunog sa isang dalawang-palapag na bahay na pagmamay-ari ng isang Lisa Evangelista saBarangay Sapa II, Rosario, Cavite na nagsimula dakong alas-11:00 ng umaga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Umakyat sa unang alarma ang apoy at idineklarang fire-out noong alas-11:53 ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, wala namang naiulat na nasaktan o na- sugatan sa dalawang sunog na parehong inaalam pa ang sanhi nito. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.