Una sa Balita

2 sundalong Pinoy ginawaran ng medal of valor sa SoKor

0 295

Tumanggap ng Taegeuk Medal ang pinakamataas na medalya ng katapa­ngan sa South Korea (SoKor) ang dalawang sunda­long Pilipino, kapwa miyembro ng sikat na 10th Battalion Combat Team (BCT) ng Philippine Expeditionary Force to Korea (PEFTOK).

Sina late Capt. Conrado D. Yap at Retired Maj. Maximo Young ay kapwa pinagkalooban ng Taegeuk Medal (Medal for Valor) dahil sa kanilang ipinakitang katapangan noong Korean War.

Nabatid na kini­lala ng Korean Ministry of Patriots and Veterans Affairs (KMPVA) ang gina­wang kabayanihan nina Yap, Young at kanilang mga tauhan sa pakikipaglaban sa mga sundalong Intsik sa naganap na giyera sa Yultong noong Abril 22-23,1951.

Nalaman na 15 allied troops lamang ang pinagkalooban ng “Taegeuk Medal” sa tatlong taon na giyera na nagsimula­ noong Hunyo 25, 1950.

Nanguna sa listahan ng pinagkalooban ng medalya ang United States, Pilipinas ang ikalawa, isa sa Belgium, South Africa, Turkey, United Kingdom, at Canada.(Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy