Una sa Balita

2 sundalo tinambangan ng riding-in-tandem

0 241

PATAY ang isang sundalo habang nasa malubhang kalagayan ang isa pa makaraang tambangan at pagbabarilin ito ng riding-in-tandem na mga suspek sa Midsayap, North Cotabato Miyerkoles ng tanghali.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Private First Class Meljay Bernal, 30, habang nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan si Corporal Earl Tabaranza, 31, pawang miyembro ng 34th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army.

Sa ulat ni Col. Glenn Caballero, commander ng 34th IB ng Philippine Army, naganap ang insidente pasado alas-11:00 ng tanghali sa kahabaan ng national highway sakop ng Brgy. Central Glad.

Magkaangkas na lulan ng Yamaha sniper na motorsiklo ang mga biktima na nakadamit ng sibilyan ng bigla na lang silang biglain at pagbabarilin ng dalawang armadong suspek na lulan naman ng Bajaj na motorsiklo.

Dahil sa mga tama ng bala sa katawan ay nawalan na ng kontrol ang motrsiklo ng mga biktima at sumadsad na sa kalsada.

Samantala mabilis namang tumakas ang mga suspek palayo ng lugar na ngayon ay patu­loy na pinaghahanap ng pulisya. ­(Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More