Una sa Balita

2 sundalo niratrat ng Sayyaf

By
0 156

ZAMBOANGA CITY — Patay ang dalawang sundalo matapos silang tambangan kahapon ng Abu Sayyaf sa bayan ng Sumisip sa magulong lalawigan ng Basilan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon sa ulat ng militar, sakay ng isang motorsiklo ang mga sundalo nang sila’y ratratin sa Barangay Tumahubong.

Dead on the spot ang dalawang sundalo na miyembro ng 64th Infantry Batta­lion na ipinadala sa magulong lalawigan upang puksain ang rebeldeng grupo.

Mabilis namang tumakas ang mga rebelde matapos na matiyak na ­patay ang dalawang miyembro ng militar.

Hindi naman mabatid sa alkalde ng lugar at sa mga parak doon kung bakit hindi nila natunugan ang masamang balak ng Abu Sayyaf.

Ang Sumisip ay isa sa mga stronghold ng Abu Sayyaf sa Basilan na siyang nasa likod ng maraming atake at kidnappings sa lalawigan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy