Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 sinita sa curfew binoga ng senglot na pulis

0 106

Sumuko ang pulis na tumakas matapos mamaril dahil umano sa kalasingan kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Dead on arrival sa Tondo General Hospital ang biktimang si Joseph Marga, 32, elevator installer at residente ng J.P. Rizal St., Tondo dahil sa tama ng mga bala sa katawan.

Kritikal naman ang kondisyon ng kasama nitong si Mark Lester Quinones, 28, residente ng nabanggit ding lugar.

Nasa kustodiya na ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS) si Patrolman Alvin Santos, nakatalaga sa MPD-Police Station 3, na sumuko ng ala-1:00 ng hapon, Nob. 20.

Ayon sa MPD-HS, nangyari ang insidente alas-2:45 ng madaling-araw sa Block 6, J.P. Rizal St., lasing umano si Santos nang sitahin sina Marga, Quinones at isang Nelson Santos dahil umano sa paglabag sa curfew. Hindi nagustuhan ng pulis ang pagsagot ni Marga na doon lang naman sila nakatira sa lugar.

Sa panig ni Santos, sinabi niya kay PCapt. Henry Navarro, MPD-HS chief, siya umano ang sinita ng mga biktima dahil sa pagparada niya ng motorsiklo hanggang magkasagutan at magpambuno sila sa baril.

Naagaw daw ng biktima ang baril kaya tumakbo na lang siya. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.