Una sa Balita

2 Sayyaf na kumidnap sa titser nakorner

0 456

Arestado ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na siyang responsable sa pagdukot sa isang public school teacher ng nakaraang Setyembre 2019 matapos ang isinagawang combined police operation ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Zamboanga City.

Sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 9, ibang ahensya ng kapulisan at Philippine Army ay nadakip ang mga suspek na nakilalang sina Erma Sahibol alyas Ems, at Kimar Juram alyas Monica, pawang nasa hustong gulang at miyembro ng Sulu based ASG sa ilalim ng pamumuno ni ASG Subleader Idang Sasukan.

Sa ulat ni Police Major Helen Galvez, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 9 , nadakip ang dalawang suspek dakong alas-9:15 ng gabi sa Sitio Malandi, Barangay Patalon ng nasabing lungsod sa bisa ng warrant of arrest sa kasong kidnapping at serious illegal detention na inilabas ni Acting Preisding Judge ng Regional Trial Court (RTC), 9TH Judicial Region Branch 3 ng Jolo, Sulu.

Ang mga ito ang responsable umano sa pagdukot kay Rosina Singua, 58, residente ng Barangay Culianan, Zamboanga City at isang public school teacher sa Culianan Elementary School, noong Setyembre ng nakaraang taon sa Mt. Carmel Catholic Church sa Jolo, Sulu.

Dinala ang mga suspek sa CIDG 9 detention cell kung saan sila nakakulong ngayon habang inaayos pa ang tamang dokumentasyon upang mailipat ito sa lugar kung saan nila ginawa ang krimen. (Edwin Balasa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More