Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 sa watchlist timbog, P340K shabu kumpiskado

0 78

Bumagsak sa kamay ng pulisya ang dalawang tulak na kabilang umano sa drug watch list matapos silang madakip sa isinagawang drug operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek na sina Gilbert De Los Santos, 24-anyos, binata, tricycle driver, ng No. 143 10th Ave., Brgy. 93 at Jerico Dela Cruz, 33, ng No. 631 Julian Felipe St., Brgy. 8, pawang sa Caloocan City.

Isa sa mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang umaktong poseur buyer at umiskor sa mga suspek ng P1,000 halaga ng shabu sa loob ng basketball court sa Julian Felipe St., sa Brgy. 8 bandang alas-2:30 ng madaling-araw.

Dinamba ito ng mga pulis nang sumayad sa kamay ng buyer ang isang plastic sachet na may shabu. Nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang 50 gramo ng shabu na naghakahalaga ng P340,000,00 at buy-bust money. (Orly ­Barcala)

Leave A Reply

Your email address will not be published.