Una sa Balita

2 sa triplet ni Mayor Sara, patay na!

By
0 4

ZAMBOANGA CITY — Isang malungkot na balita ang bumu­laga kahapon sa mga taga-Davao City, matapos na i-anunsyo ni Mayor Sara Duterte-Carpio na 2 sa tatlong sinapupunan nito ang wala ng pintig ang puso.

At ang nalalabi ay kasalukuyang binabantayan ng kanyang mga doktor dahil sa mahinang pagtibok ng puso nito. Halos 2 buwan na ang sinapupunan ni Carpio nang una nitong ipaalam sa publiko nitong nakaraang buwan na siya ay buntis.

Umani naman ng sari-saring komentaryo at awa mula sa mga netizens ang naging pahayag ni Carpio.

“God, please hear our prayers for Mayor Sara’s babies safeness, sana po maging maayos ang lahat hanggang sa pag-anak niya sa triplet,” ani pa ni ­Evelyn Lagrama.

Ginawa ni Carpio ang pahayag sa headquarters ng Task Force Davao sa Santa Ana na kung saan ay pormal ng pinangalanan nito si Col. Bernard Neri bilang bagong commander ng naturang anti-terror unit ng militar.

Pinalitan ni Neri si Col. Henry Robinson matapos itong sibakin sa kanyang puwesto dahil sa naganap na pambobomba sa night market sa Roxas­ Avenue na ikinamatay ng 15 katao at pagkasugat ng mahigit sa 5 dosenang sibilyan.