Una sa Balita

2 sa suicide bomber sa Sri Lanka Easter attack, anak ng negosyante

0 230

INARESTO ng mga awtoridad sa Sri Lanka ang isang kilalang negosyante matapos isangkot ang dalawa nitong anak sa serye ng pag-atakeng nangyari sa nasabing bansa na ikinamatay ng 359 katao noong Easter Sunday.

Nasa kustodiya ng pulisya ngayon ang isa sa pinakamayamang negosyante ng Sri Lanka na si Mohammad Yusuf Ibrahim upang imbestigahan sa alegasyon laban sa dalawa nitong anak.

Tinukoy sa isang Indian media report na ang mga anak ni Ibrahim na sina Inshaf at Ilham ay kabilang sa walong suicide bomber na umatake sa mga hotel at simbahan sa Colombo, capital ng Sri Lanka.

Inako na ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang atake at ayon sa mga imbestigasyon ay isinasailalim na sa interogasyon si Mr. Ibrahim.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy