Una sa Balita

2 sa PSL All-Star team ipapakilala

By
0 120

Dalawa sa pitong local players na isasahog sa team na kakatawan sa bansa sa FIVB Women’s World Club Championship sa Manila ang pormal na nonombrahan ngayon ni Philippine Superliga president Ramon ‘Tats’ Suzara.

Sa Oct. 18 hanggang 23 nakatakdang sumiklab ang presitihiyosong torneo.

Sa center court ng Cuneta Astrodome ihahayag ni Suzara ang announcement sa pagkatapos ng first game at bago ang second match mamaya.

Tampok rito ang pagbibigay ng golden ticket simbolo ng imbitasyon para sa PSL na sumali sa World Club championship kontra walo sa best club teams ng mundo.

Kabuuang 24 PSL stars ang sumama sa tryouts nitong weekend para makipag-agawan sa pitong slots. Aayudahan ang team ng pito pang imports mula Brazil, Italy at Japan.

Nakumpleto na ang cast ng torneo nang makuha ng Hisamitsu Springs-Japan ang final wildcard slot. Ang iba pang teams ay ang Rexona Ades ng Brazil, Pomi Casalmaggiore ng Italy, Bangkok Glass ng Thailand, Eczacibasi Vitra at VakifBank ng Turkey, Volero Zurich ng Switzerland, at ng PSL All-Star team ng host country Philippines.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy