Una sa Balita

2 sa Majayjay flashflood, nakita na

By
0 1

Makaraan ang dalawang araw na search and retrieval operation, natagpuan na kahapon ng umaga ang mga labi ng dalawa pang nawawala sa Flashflood sa Majayjay Laguna.

Ayon kay Majayjay police chief Insp. Marcelino Marcial, natagpuan ang katawan ni Vanessa Carillo sa ba­hagi ng ilog sa Barangay Bakia, sakop pa ng ba­yan ng Majayjay, samantalang si Bryan Alemania ay sa may bahagi na ng bayan ng Magdalena.

Kamakalawa ay una ng natagpuan ang anim na taong gulang na anak ni Bryan na si Christine Althea sa Barangay Ba­lanak sa Majayjay.

Samantala kaugnay pa rin sa nangyaring malagim na trahedya, ayon sa pahayag ng management ng resort, pinaahon nila ang lahat ng nasa ilog noong bago naganap ang flashfloods dahil sa malakas na buhos ng ulan at sa inaasahan ngang paglaki ng tubig.

Subalit matapos anya ang pag-ulan, nagsibalikan agad sa ilog ang mga bisita na siyang mga natrap ng baha na ikinaanod nga ng tatlong biktima.