Una sa Balita

2 rider tiklo sa drogang nakatago sa pakete ng sigarilyo

0 256

BUKING ang nakatagong shabu sa dalawang ­motorcycle rider nang nalaglag mula sa pakete ng isang sigarilyo matapos na sitahin dahil sa ­hindi pagsusuot ng helmet sa Silang, Cavite.

Nakakulong ngayon sa Silang Custodial Center ang mga naarestong suspek na sina Joselito ­Borras, 34-anyos, binata, isang waiter ng Block 8 Lot 24 Brgy Gregoria de Jesus, GMA Cavite at Nazario ­Valeros, 51-anyos, binata ng Block 8B Lot 25 Brgy ­Gregoria de Jesus, GMA, Cavite.

Sa ulat ni PSMSgt Glen Soriano ng Silang ­Police Station, dakong alas-9:00 kamakalawa ng gabi nang nagsagawa ng Oplan:Sita ang mga elemento ng ­Police Community Precinct (PCP) 1 Bulihan Base ng Silang MPS sa kahabaan ng Govenor’s Drive sa ­kanto ng Brgy Banaba, Silang, Cavite kung saan ­sinita nila ang mga suspek na magka-angkas sa isang kulay blue na motorsiklong Honda na may plakang OT 6707 ­dahil sa hindi nila pagsusuot ng helmet.

Nang hiningan ng drivers license ay wala itong maipakita at habang inisyuhan ng Traffic Violation Receipt (TVR) ay nalaglag mula sa bulsa sa jacket ng isa sa suspek ang isang pakete ng sigarilyo.

Subalit imbes na sigarilyo ang laman, ay ­nalaglag ang tinatayang 0.6 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P900 na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.
Bukod sa kasong hindi pagsusuot ng helmet ay paglabag sa RA 9165 ang isinampa laban sa ­dalawang suspek. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More