Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 rebelde dedo sa engkuwentro

0 62

DALAWANG rebelde ang napatay sa engkuwentro sa mga sundalo sa Negros Occidental nitong weekend.

Sa report, kinilala ng 15th Infantry Battalion (15IB) ng Philippine Army ang mga namatay na sina alyas “Michael/ Nonoy” at alyas “Ken-ken”, na pinaniniwalaang mga miyembro ng Platoon 3, Southwest Front ng New People’s Army’s (NPA) Komiteng Rehiyon-Negros, Cebu, Bohol, Siquijor (KR-NCBS).

Nangyari ang engkuwentro sa Philippine Army’s 15th Infantry Battalion (15IB) in Barangay Bulwangan, Hinoba-an, Negros Occidental.

Dinala ang mga bangkay sa Porras Funeral Homes sa southern Negros Purok IV, Barangay 1.

Sinabi naman ni Lt. Col. Erwin Cariño, commanding officer ng 15IB na sa tulong ng mga residente ay agad nilang narespondehan ang presensya ng mga armadong grupo. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.