Una sa Balita

2 pumupuntirya sa house speakership sikretong nakipag-meeting sa LP

0 371

Ang petmalu pala ng dalawang kongresistang nag-aambisy­ong maging lider ng Kamara de Representantes na tila inetsapuwera muna ang prinsipyo alang-alang sa personal na interes.

Ayon sa aking bubwit, dahil sa kagustuhang maging House Speaker ay sikretong nakipagpulong ang dalawang nag-aambisyong ma­ging lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa lider at mga miyembro ng oposisyon, o mga kritiko ni Pang. Duterte sa House, sa pag-asang makuha ang suporta nito para sa puntiryang posisyon.

Ayon sa aking bubwit, mukhang desperado na ang ilan sa mga pumopormang maging Lider-Deputado ng Kamara dahil ang mga kinausap nila ay political party na kinamumuhian ni Pang. Duterte, na may ilang ulit na rin n’yang winakwak sa kanyang mga talumpati.

Sa kabila kasi ng paghahari ng PDP-Laban at ng bagong sibol na Hugpong ng Pagbabago na parehong tagumpay sa katatapos na botohan ay may numero pa rin naman ang oposisyon sa Kongreso, at sa botohan sa pagka-Speaker, ang bawat boto ay importante.

Ano kaya ang mga nilatag sa pulong ng mga pumupuntirya sa Speakership at ng mga kausap nila sa oposisyon sa Kamara de Represen­tantes? Ano rin ang mga napagkasunduan kung mayroon man? Paano kung hindi lang basta meeting ang nangyari, paano kung collaboration, o mas masama, sleeping with the enemy na? Tsk tsk lagot kayo kay Presidente.

Dahil sa panliligaw na ito ay magpupulong ang lider at mga miyembro ng Liberal Party o LP sa House of Representatives kung sino ang susuportahan sa bakbakan sa pagka-House Speaker.

Ang sinuyo ay isang malapit sa pinaka-bos­sing ng LP at isang malapit na malapit sa taga-Cubao at ang lumigaw sa kanila na suportahan ang ambisyong maging House Speaker ay isang maasim at isang wala nang asim pero malalim ang bulsa o sangkaterba ang budget.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy