Una sa Balita

2 pulis todas sa engkuwentro kontra NPA

0 248

By Edwin Balasa

PATAY ang dalawang pulis matapos ang naganap na engkuwentro laban sa mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) Linggo nang madaling-araw sa bayan ng Bato, Camarines Sur.

Kinilala ang dalawang pulis na nasawi na sina Patrolman Prince Lagdameo at Police Master Sgt. Sotero Javier, pawang mi­yembro ng 2nd platoon ng CSPMFC.

Sa ulat na ipinadala ni Police Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol PNP, naganap ang engkuwentro dakong alas-singko nang madaling-araw sa Barangay Payak ng nasabing bayan.

Kasalukuyang nagsasagawa ng intel-driven operation ang mga pulis nang makaengkuwentro ng mga ito ang tinatayang 18 miyembro ng NPA.

Tumagal ng halos 20 minuto ang palitan ng putok dahilan ng pagkakasugat ng mga pulis na sina Lagdameo at Javier.

Mabilis naman silang isinugod sa Medical Mission Group Hospital subalit dineklara na silang dead-on-arrival ng attending physician na si Dra. Valerie Belmonte.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang hot pursuit operation ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan at mga sundalo sa mga nagsitakas na mga rebelde.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy