Una sa Balita

2 pulis TIMBOG SA COLORUM

By ,
0 8

Dalawang pulis-Ma­ka­ti ang naaktuhan ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philip­pine National Police– Highway Patrol Group (PNP-HPG) na pumapa­sada ng kolorum van.

Kahapon, isang joint operation laban sa kolo­rum ang isinagawa ng LTO, LTFRB, HPG at MMDA sa Edsa Quezon City hanggang sa bungad ng Cavite (Roxas Blvd at Coastal Mall) upang abangan at hulihin ang mga pumapasadang kolo­rum na mga van.

Dalawang van na kulay puti ang plaka ang naharang ng mga awtoridad sa EDSA Balintawak na puno ng pasahero at nagpaki­lalang pulis sa Makati ang driver ng dalawang van.

Pero itinanggi nila pareho na sila ay namamasada ng kolorum, sa halip sinabi nilang ‘car pool’ lamang ang kanilang ginagawa dahil nag-aangkas sila ng mga kakilala.

Isa sa mga pulis ay nakilalang si PO3 Divino De Asis Darwin habang tumanggi naman ang isa pa na ipakita ang kaniyang ID.

Sa nasabing operasyon na isinagawa sa EDSA  Quezon City, anim na sasakyan ang nahuli.

Ang mga ito ay dinala nasa impounding area ng LTFRB sa Taytay.

Ayon kay Supt. Jenny Tecson, tagapagsalita ng Southern Police District (SPD) mahigpit na ipinababawal ang isang pulis na gumamit ng colorum na sasakyan dahil ito ay labag sa kanilang panuntunan. Iimbestigahan umano ng pamunuan ang nahuling dalawang pulis.