Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 pulis sibak sa kotong, pagbenta ng gamot vs coronavirus

0 73

Dalawang pulis ang bulilyaso sa serbisyo matapos masangkot ang isa sa kanila sa overpriced na pagbebenta ng gamot sa COVID-19 na Tocilizumab habang ang isa ay sa kaso ng pangongotong.

Agad ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar sa Internal Affairs Service (IAS) ang masusuing imbestigasyon laban sa nasabing mga pulis na sangkot sa katiwalian.

Sa ulat sa tanggapan ni Eleazar, naaresto si Police Staff Sgt. Ariel Yalung sa isinagawang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kamakalawa dahil sa iligal na pagbebenta ng Tocilizumab.

Isinagawa ng NBI ang operasyon matapos magreklamo ang dalawa katao na binibenta ni Yalung ang nasabing gamot sa halagang P95,000 isa kung saan ang orihinal na presyo lang nito ay P25,000.

Samantala nasakote naman si P/Staff Sgt. June Angeles ng mga tauhan ng Integrity Monitoring and Enforcement Group sa loob mismo ng San Mateo, Rizal Municipal Police Station (MPS) sa entrapment operation nitong Lunes.

Pinapabayaran ng P1,000 ng suspek na pulis ang certificate of detention sa preso lalaya na sa kulungan.

“Nakakulong na at nahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang dalawang pulis na ito at ipinapangako natin sa ating mga kababayan na patuloy ang aming gagawing paglilinis sa aming hanay,” dagdag ng opisyal. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.