Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 pulis nabaril sa drug bust

0 137

NASAWI ang isang operatiba ng Cavite police habang ginagamot ang kabaro nito matapos mabaril sa buy bust operation sa Dasmarinas City, Cavite Martes ng gabi.

Kapwa isinugod sa Dasmarinas City Medical Center sina PSSgt Carl Marte Manzanilla at Pat Ariel Carlos Maribojo subalit dead on arrival na si Manzanilla.

Naaresto naman sina Jesabel Cadag alias Maylyn; Jemuel Pillar; John Marco Pacia at John Lloyd Pacia at pinaghahanap ang tumakas na sina Marlon Pacia, Jomarie Pacia at Jun-jun Javier.

Sa ulat ni Corporal Wilfredo Villanueva ng Dasmarinas City Police Station, alas-9:30 kamakalawa ng gabi nang magsagawa ng buy-bust ang PDEU Cavite Police Provincial Office sa pamumuno ni PCapt John Mark Presbitero, PDEU at PSOG sa Snake Road, Brgy Salawag, Dasmarinas City kung saan nakipagtransaksyon si Marlon sa poseur buyer na sina Manzilla at Maribojo.

Nang mahalata ni Marlon na pulis ang kausap, agad itong nagpaputok gamit ang kalibre 45 at tinamaan sina Manzanilla at Maribojo. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.