Una sa Balita

2 pulis Mandaluyong ihaharap sa Maute

By
0 3

Ipatatapon sa Marawi ang dalawang pulis-Mandaluyong na nag-viral sa video na nambubugbog sa lumabag sa barangay ordinance.

Ayon kay Chief Insp. Dionardo Carlos, spokesperson ng PNP, dahil gi­gil na gigil si PNP chief Director General Ronald dela Rosa ay iniutos nito na ipadala sa Marawi City at itapat sa mga te­rorista sina PO1 Jose Julius Tandog at PO1 Chito Enriquez.

Kinompronta ni Dela Rosa ang dalawang pulis matapos agad magtungo sa Mandaluyong Police Station para harapin ang mga ito.

Abante Hiring – IT dep

Agad dinisarmahan at iniutos ng PNP chief ang pagsibak sa mga ito pero dinala muna sa PNP Holding and Accounting Unit ng Camp Crame habang inihahanda ang kakaharaping kaso.

“Dapat dalhin sa Marawi mga ‘yan iharap sa mga terorista para makita ang tapang,” galit na sinabi ni Dela Rosa.

Sinabi pa ng PNP chief na sa ginawa ng dalawang pulis ay nagdulot ito ng kahihiyan dahil kahit na mas maraming pulis ang gumagawa ng mabuti ay nasisira ang pangalan dahil ilang pulis ang gumagawa ng kalokohan.