Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 pulis inambus sa Palawan

0 473

Nakaligtas sa pananambang ang hepe ng Dumaran Municipal Police sa lalawigan ng Palawan at isa pang pulis na kasama nito makaraang ratratin ng hindi pa kilalang grupo ang sinasakyan nilang patrol car sa bayan ng Taytay, Linggo ng umaga.

Suwerteng walang anumang tama ang mga biktimang sina P/Cpt. Erwin Carandang at P/Cpl. Mark Russel Evangelista ng tambangan sila ng hindi pa kilalang mga suspek.

Sa ulat, alas-6:10 ng umaga naganap ang pananambang habang binabagtas ni Carandang at Evangelista, lulan ng isang mobile patrol car ang kahabaan ng Ibangley, Brgy. Abongan, Taytay, Palawan patungo sana sa bayan ng Roxas para sa kanilang monitoring operation laban sa isang most wanted person. Dito sila pinagbabaril ng mga hindi pa batid na suspek.

Nakuha namang mapaharurot ni Evangelista ang patrol car palayo sa ambush site para makatakas nang walang anumang tama ng bala.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pananambang at para malaman kung anong grupo ang may kagagawan nito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.