Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 Pulis himas-rehas sa sex trip

0 155

Huli ang dalawang pulis matapos umanong gahasain at kunan pa ng video ang ginawa nilang kahalayan sa isang 18-anyos na babaeng massage therapist ng isang KTV Bar sa Zamboanga City nitong Biyernes ng gabi.

Sa reklamo sa pulisya ng dalagang biktima na sadyang hindi binanggit ang pangalan para sa kanyang seguridad, kinilala nito ang mga suspek na sina Patrolman Jeff Virgil Castromayor Caloyloy at Partolman Aumer Perez Arcillas, pawang nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 9 sa Camp Batalla, Zamboanga City.

Sa salaysay ng biktima sa pulisya, kumukuha ng video ang isa sa mga pulis habang ginagahasa at ginagawan siya ng kahalayan ng kasama nito sa loob ng iKTV Bar na matatagpuan sa kahabaan ng Governor Camins Avenue, Zamboanga City.

Aniya, nasa impluwensiya umano ng alak ang isa sa mga pulis nang pasukin siya sa loob ng kuwarto at tinutukan ng baril.
Habang nakatutok ang baril sa kanya, inutusan umano siya ng isang suspek na maghubad ng kanyang damit habang nag-uumpisa na rin itong mag-alis ng kanyang kasuotan.

Nang hubo’t hubad na ang biktima, sinimulan umano siyang molestiyahin ng isa sa mga suspek habang inumpisahan na ring kunan ng video ng kasama nito ang ginagawang panghahalay sa dalaga.

Nang nakahiga na ang nanghalay na suspek, nakakuha umano siya ng pagkakataon na itapon sa bintana ang baril nito at saka siya tumalon sa bintana at humingi ng tulong.

Nadakip ang dalawang pulis at nakakulong na sa Police Station 11 ng Zamboanga City police office habang inihahanda ang mga kaso laban sa kanila. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.