Una sa Balita

2 pulis Caloocan sa Carl, Kulot slay pinaaaresto ng korte

By
0 1,455

Ipinadarakip na ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) ang dalawang pulis na kina­suhan ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa pagpatay sa dalawang teenager na sina Carl Angelo Arnaiz, at Reynaldo ‘Kulot’ de Guzman, noong Agosto ng nakaraang taon. Ipinaaaresto ng Caloocan City RTC Branch 122 sina PO1 Jeffrey Perez, at PO1 Ricky Arquilita, na sinampahan ng DOJ ng dalawang bilang ng reklamong murder o paglabag sa Article 248 ng revised penal code.

Nananatili umanong nasa kustodiya ng Regional Personnel Holding and Accounting ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa ang mga ito.

Kinasuhan din sila ng planting of evidence na paglabag sa ilalim ng Section 38 ng Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act at planting of evidence na paglabag sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act dahil naman sa mga nasamsam na marijuana at shabu mula sa mga batang biktima.
Ipinagharap din sina Perez at Arquilita ng da­lawang ulit na reklamong torture.

Sa order of arrest na ipinalabas ni Presiding Judge Georgina Hidalgo, walang piyansa na ini­rekomenda ang korte para sa pansamantalang paglaya nina Perez at Arquilita.