Una sa Balita

2 pulis-Caloocan kalaboso sa kotong

By
0 46

Inaresto sa loob mismo ng himpilan ng pulisya na kanilang pinagtatalaga­han ang dala­wang mga pulis-Caloocan matapos na masangkot sa kaso ng robbery-extortion sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Kinilala ang dalawang pulis na sina PO2 Jaypee Pagaringan at PO1 Christian Panganiban na pawang mga nakatalaga sa Caloocan City Police Community Precinct III sa C-3 Road corner A. Mabini Street ng nasabing lungsod.

Ayon sa mga tauhan ng Counter Intelligence Task Force (CITF) na silang nagsagawa ng entrapment ope­ration laban sa dala­wang pulis, isang Isidro Denaga umano ang ina­resto ng dala­wang suspek noon pang ika-23 ng Hul­yo, taong kasaluku­yan dahil sa hindi naman binanggit na kaso.

Ayon sa mga kaanak ni Denaga ay mag-iisang linggo na umano ang nakalipas ay hindi pa rin sinasampahan ng kaukulang kaso ng mga inirerekla­mong pulis si Denaga at kalaunan ay hinihingian na umano sila ng dala­wang pulis ng mala­king halaga ng pera para hindi na umano sampahan ng kaso ang kanilang ama at dahil wala naman silang pera ay nagpasya na lamang ang mga kaanak nito na humingi ng saklolo sa CITF.

Doon na agad na nagkasa ng entrapment ope­ration ang mga tauhan ng CITF na nagresulta sa agarang pagkakaaresto sa dala­wang kotong cop. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy