Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 pulis bulagta sa barilan vs NPA

0 124

PATAY ang isang pulis at miyembro ng New People’s Army sa nangyaring engkuwentro sa Pasay City.

Sa report nangyari ito nitong Biyernes, kung saan isisilbi sana ang warrant of arrest laban sa komunista sa Brgy. 172 sa Malibay area.

Pero imbes na sumuko, nanlaban ang inaaresto na nagresulta sa palitan ng putok.

Tinamaan sa engkuwentro sina Police Lt. Rogelio Walay at Police SSgt. Nikki Codera. Agad silang dinala sa ospitsal.

Pero si Codera ay dead on arrival habang si Walay ay nagpapagamot pa sa ospital.

Dead on the spot din sa engkuwentro ang wanted na suspek na kasapi ng communist terrorist group (CTG). (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.