Una sa Balita

2 pulis-Bacolod nagpositibo sa drug test

By
0 111

Dalawang tauhan ng Bacolod City Police ang dinisarmahan matapos magpositibo sa isinagawang random drug testing.

Kahapon nang kumpirmahin ni Chief Insp. Diane Grace Catedral, ng Bacolod City Police Office (BCPO), na positibo sa paggamit ng illegal drugs ay dalawang pulis na may ranggong Police Officer 2 na nakata­laga sa field.Isinailalim na rin nga­yon ang dalawang pulis sa masusing interogasyon pero hindi muna pina­ngalanan.

Napag-alaman na nagsagawa ng random drug testing ang PRO-18 noong Hunyo 11 sa BCPO at sa apat na police stations sa Bacolod at batay sa resulta ay dalawa ang nagposi­tibo ngunit ito ay isailalim pa sa confirmatory test.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy