Una sa Balita

2 PSC facility ginawang COVID-19 medical area

0 455

Gagamitin muna ang mga pasilidad ng Philippine Sports Commission bilang pansamantalang medical facilities upang matulungan ang pagsisikip ng mga hospital sa patuloy na kampanyan ng bansa laban sa COVID-19 (coronavirus disease).

Sinabi kahapon ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez, na ang dalawang sports venue na pinamamahalaan ng gobyerno sa sports sa Metro Manila ay ang Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila at ang PhilSports Complex sa Oranbo, Pasig.

Ipinaliwanag ng PSC chief, na ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para malabanang lubusan ang pandemic virus ay ang pagkakaisa at malaking tulong ang paggamit sa government facilities bilang quarantine area.

“They are government facilities so we were already anticipating that it might come to that point,” bigkas ni Ramirez, na hinirit na napag-usapan nila ang paggamit sa pasilidad ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Maliban sa mahigit na 30 athletes at coaches, medical, administrative staff at security personnel na tumutulong sa ahensiya sa mga complex, ang mga national athletes dito’y una nang hiniling na umuwi sa kanilang mga pamilya bago pa ang implementasyon ng enhanced community quarantine sa Luzon.

Siniguro namann ni PSC Chief of Staff at Philippine Sports Institute (PSI) National Training Director Marc Edwartd Velasco na ang management committee ng PSC ang magpaplano para sa mga natitirang atleta at personnel para maihiwalay sa mga magiging lugar ng quarantine.

“Thorough disinfection of the venues will be undertaken regularly and after their use,” dugtong ni Velasco.

“These times call for unselfish patriotism. These times call for everyone to be heroes, even. Let us step up to the plate, so to speak. This is us, the sporting community stepping up to bat,” pahabol ni Ramirez sa social media post.

Ang mga lugar na kinukunsidera na gamitin laban sa COVID-19 sa Philsports Complex ay ang multi-purpose arena at track oval, habang sa RMSC ay ang Rizal Memorial Coliseum, Ninoy Aquino Stadium at Rizal Baseball Stadium.

“All these venues have been used before as evacuation or warehouse and repacking centers for relief goods,” wakas na saad ni Ramirez. (Lito Oredo)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More