Una sa Balita

2 preso dedo sa heat stroke

By
0 128

Nasawi habang ginagamot sa ospital ang isang 52-anyos na preso ng Tanza Municipal Police Station, sa lalawigan ng Cavite, ilang oras matapos itong isugod doon kamakalawa ng hapon dahil sa heat stroke.

Nabatid mula sa ipinadalang ulat ng Tanza MPS, dakong alas-dos ng hapon nang isugod sa Tanza Family Clinic ang inmate na si Apolinario Rezare y Sarte, makaraang makaranas ng paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga bunsod ng sobrang init na nararanasan sa nasabing kulungan.

Bandang alas-siyete ng gabi, binawian ng buhay ang inmate na nakulong sa kasong paglabag sa illegal drugs.

Nabatid na ito ang ikalawang kaso ng nasa­wing inmate sa Tanza MPS lock up cell sa nakalipas na tatlong araw.

Unang nasawi ang inmate na si Rolando Balagis, matapos sumpungin ng hika at sumuka ng dugo sa loob ng nasabing kulung­an.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy