Una sa Balita

2 Pinoy sugatan sa pananagasa ng HK school bus, 4 todas

0 230

APAT katao ang namatay, 11 ang sugatan kabilang na ang 2 Pilipino matapos na araruhin ng isang school bus ang mga tao sa King’s Road sa North Point, Hong Kong noong Lunes ng hapon.

Walang sakay ang bus nang bumulusok ito pababa at sagasaan ang 15 katao, kabilang na ang driver.

Agad namang nadala sa ospital ang dalawang Pinoy at nasa ligtas na kondisyon.

Sa ulat ng The Sun Hong Kong, ang apat na namatay ay may edad na 70 hanggang 83 at kapwa may pangalang Chinese.

“We were informed that both Filipinos, a 50 year old male and a 43 year old female, are in stable condition. One of them is in Ruttonjee Hospital and the other in Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital,” ayon kay Consul Paulo Saret.

“We will relay the report to the Consul General tomorrow and request the OWWA to arrange a visit to the victims in those hospitals,” dagdag pa niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy