Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 Pinoy designer wagi sa Dubai fashion award

0 39

Kinilala ang dalawang Filipino couturier sa prestihiyosong EMI Gala Fashion Awards na ginanap sa Al Habtoor City, Dubai nitong Hulyo 14.

Sina Michael Cinco at Furne One Amato, na kapwa nakabase sa Dubai, ay tumanggap ng pinakamataas na karangalan sa gala dinner, na iprinisinta ng Distinctive International Arab Festivals Awards (DIAFA) sa Hilton Hotel.

Sa pahayag ni Cinco, inihahandog niya ang Fashion Designer of the Year Award sa kanyang team at pinaparangalan din niya ang bawat indibidwal na binawian ng buhay dahil sa CO­VID-19 pandemic.

“I would also like to dedicate this award to some of my friends in the fashion industry who lost their lives in this pandemic, some people who lost hope and living a very tough and difficult lives right now,” aniya sa Instagram.

Kabilang sa malalaking celebrities na ginawan ng kasuotan at gowns ni Cinco ay sina Beyonce, Rihanna, Lady Gaga, Jennifer Lopez, Bea Alonzo, Anne Curtis, Marian Rivera, Kathryn Bernardo, at Liza Soberano.

Samantala, ibinahagi naman ni Amato sa kanyang Instagram account ang kanya ring pagkapanalo sa International Fashion Designer of the Year and Fashion Innovator award.

“So humbled and honoured to receive the highest award given at the Emi Gala,” banggit ng Pinoy.

Si Amato naman ang nag-design ng gowns para kina Mariah Carey, Katy Perry, Ariana Grande, Nadine Lustre, Maymay Entrata, Maja Salvador, at Vice Ganda.

Ang pinakabagong obra maestra ni Amato ay ang ‘Sarimanok gown’ ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Nabatid na ang mga nominado at nanalo sa iba’t ibang kategorya sa nasabing fashion awards ay pinipili ng mga komite ng high-profile experts sa fashion industry.

Ang EMI Gala ay isang ‘uniquely organized’ at luxurious fashion awards gala dinner na isinasagawa taon-taon ng DIAFA sa Dubai. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.