Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 Pinoy crew ng cargo ship sa Australia COVID positive

0 125

Nagpositibo umano sa COVID-19 ang dalawang Pinoy crew ng isang cargo ship na nasa Port Hedland, Australia.

Sa ulat, kabilang ang dalawa sa 20 Pilipino na sakay ng Patricia Oldendorff, na dumating sa nasabing port.

Dinala na umano sa quarantine facility ang nasa 11 crew ng barko. Wala naman umano sa kanila ang nagtataglay ng sintomas, gayunman inaasahan ng mga health official na madadagdagan pa ang kaso ng nahawa.

Naiwan umano sa barko ang kalahati sa mga crew nito upang mapanatili ang operasyon, at nagsagawa na ng testing upang masiguro kung tinamaan din sila ng virus.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.