Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 Pinay swak sa Forbes werpa CEO

0 74

Dalawang Pilipina ang napasama sa listahan ng Power Businesswomen ng Forbes Asia.

Tampok sa 2020 Power Businesswomen List ang 25 natatanging babaeng lider sa Asia-Pacific Region mula sa iba’t ibang industriya gaya ng biotechnology, financial technology at education technology.

Kabilang sa kinilalang Pinay si Olivia Limpe-Aw, chairman at chief executive officer (CEO) ng pinakamatagal nang distiller na Destileria Limtuaco.

Ang kompanya ni Limpe-Aw ay itinatag noong 1852 at sa kasalukuyan ay nagbebenta sila ng iba’t ibang mga wine at liquor na umaabot sa Asya at sa Asia at United States.

Pasok din sa listahan ang Filipina-Australian na si Melanie Perkins, ang cofounder at CEO ng Canva. Nakabase si Perkins sa Australia. Siya ang tinanghal na pinakabatang bilyonarya sa Australia noong Hunyo.

Ang Canva ay isang graphic design software company at mayroong mahigit 30 milyong active monthly user sa 190 na bansa.

Samantala, kabilang din sa listahan sina Maki Akaida, CEO ng Uniqlo Japan; Nabilah Alsagoff, co-founder at CEO ng Nusa Satu Inti Artha-Indonesia, si at Aya Komaki, president at CEO ng Sanrio Entertainment-Japan. (Issa Santiago)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.