Una sa Balita

2 Pinay sa Dubai na-rescue sa mga human trafficker

0 477

NAILIGTAS ng mga awtoridad sa Dubai ang ­dalawang Pinay worker matapos mabiktima ng ­human traffickers.

Ayon sa Philippine Embassy sa Baghdad, inalok ang mga biktima ng trabaho sa Iraq.

Nauna nang nagbabala ang Department of ­Foreign Affairs sa mga overseas Filipino worker ­laban sa mga Dubai-based recruitment agency na nag-aalok ng trabahong household service sa Iraq dahil nananatili pa umano ang deployment ban sa naturang bansa.

Inabisuhan ng ahensiya ang mga OFW na ­kumonsulta muna sa Philippine Overseas ­Employment Administration (POEA) bago tumanggap ng mga job offermula sa mga recruiter sa ibang bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy