Una sa Balita

2 Pinay sa Cyprus tsinugi ng ka-chat

0 412

ISANG Pinay ang natagpuang patay sa isang minahan sa Cyprus.

Sa ulat ng GMA News kahapon ang hindi pa pinangalanang biktima ay nawawala noong Mayo nakaraang taon pa kasama ang kanyang 6-anyos na anak na hindi pa rin matagpuan.

Maliban sa nasabing biktima isa pang Pinay ang bumulaga rin sa nasabing minahan.

Gayunman ay isang suspek na career officer ng Cyprus Army ang ina­resto at pinaniniwalaang sangkot sa krimen.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, nakilala ng suspek ang dalawang biktima sa isang online dating site.

Hanggang ngayon ay wala pang ulat ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa nasabing kaso.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy