Una sa Balita

2 Pinay netter kampeon sa Malaysia

0 472

MATIRA matibay ang naging mantra para kina Pinay netter Alexa Joy Milliam at Marielle Alexi Jarata nang patumbahin ang mga pambato ng Singapore na sina Tamryn Brown at Sue Yan Tan sa Asian Tennis Federation (ATF) 14-Under Series sa Kuching, Sarawak, Malaysia nitong Biyernes.

Nakuha ng dalawang Pinay ang girls’ doubles title nang makubra ang 4-6, 6-3, 10-4 victory kontra sa mga Singaporean.

Nakaabot din sa finals ng singles event si Milliam matapos pataubin si Liya Chum ng Taiwan, bago ito ay pinadapa muna sina Kai Ning Chanya Ng ng Singapore (6-0, 6-1) at Jiatong Cai ng China (6-3, 7-6(5)).

Samantala, dalawang Pinoy naman ang maghaharap sa finals, ito ay sina Exequiel Mari Jucutan at Joewyn Rey Pascua para sa boy’s singles event.

Magkakampi naman ang dalawa sa doubles finals matapos gapiin ang mga Malaysian na sina Sachin­d­hananda Balamurugan at Ivan Oh, 6-1, 6-2.

Ilang manlalaro ng Unified Tennis Philippines, ibabandera nina Sydney Enriquez at Eric Jay Tangub, ang sasalang sa International Tennis Federation Grade 5 tournament sa Oktubre 1 hanggang 6. (RP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy