Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 Pharmally exec himas-rehas na

0 285

Nailipat na sa Pasay City Jail ang dalawang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation matapos mabigong madibigay financial statemennts ng kompanya na naunang hinihingi sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa maanomalyang pagbili ng COVID-19 medical supply.

Bago ilipat ng Pasay City Jail (PCJ) sina Pharmally corporate secretary at treasurer Mohit Dargani at Director Linconn Ong ay sumailalim muna sila medical checkup, kabilang ang antigest para sa COVID-19 kung saan ay kapwa nagnegatibo ang dalawa.

Ang kapatid ni Mohit na si Twinkle Dargani, ang presidente ng kompanya, ay nasa kustodiya ng Senado dahil sa mental health issue.

Sina Mohit at Ong ay mananatili sa PCJ hangga’t hindi naibibigay ang kinakailangang dokumento sa Senado, ayon sa commitment order na nilagdaan ni Senate President Vicente Sotto III.

Samantala, tiniyak ng pamumuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na hindi makakatikim ng VIP treatment sina Ong at Dargani habang nakapiit sa PCJ.

Sinabi ni BJMP Spokesperson Xavier Solda na ituturing na karaniwang persons deprived of liberty (PDL) ang dalawa at hindi sila mga espesyal para maghangad ng VIP treatment sa pasilidad.

Samantala, isasalang muna sa 10 hanggang 14 araw na mandatory quarantine period sina Ong at Dargani bago sila italaga sa kanilang mga selda. (Dindo Matining/Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.