Una sa Balita

2 ‘persons of interest’ sa Zambo blast hinahanting

By
0 403

PINAGHAHANAP ang dalawang person of interest ng Philippine National Police (PNP) na umano’y res­ponsable sa paghagis ng granada sa isang mosque sa Zamboanga City kamakalawa na ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat ng apat na iba pa.

“‘Yung grenade throwing sa Zamboanga City, may two persons of interest. Kasalukuyang kinikilala na ito dahil mapapansin natin, wala tayong nakuhang CCTV footage dun sa lugar at may kadiliman ang lugar,” pahayag ni Sr. Supt. Bernard Banac sa isinagawang press briefing kahapon sa Camp Crame.

Ang pahayag ni Banac ay sinang-ayunan naman ni Police Regional Office (PRO) 9 Director Chief Supt. Emmanuel Luis Licup, at inihayag na mayroon na umano silang lead sa nasabing insidente.

Sadyang hindi naman muna ibinunyag ni Licup ang iba pang detalye upang hindi masira ang kanilang ginagawang follow up operation.

“We have ordered all our provincial directors to get in touch with other faith based groups and in fact yesterday (Miyerkoles), all of our provincial offices have conducted their own and in the city it was led by no less than the mayor herself,” pahayag ni Licup.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang case conference ng PNP para sa kanilang ginagawang intelligence gathering para sa agarang pagdakip ng mga suspek.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy