Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 pedestrian dedbol sa bundol

0 35

Patay ang dalawang lalaking pedestrian sa magkahiwalay na insidente ng pagkabundol sa Maharlika highway sa Atimonan at Candelaria, Quezon.

Alas-9:45 ng umaga nang masawi ang unang biktimang si Angelito Cabangon Banton, 45, tricycle driver, na nasagasaan ng isang Hi Ace van habang naglalakad sa gilid ng highway sa Barangay Magsaysay, Arimonan.

Dead on arrival ito sa ospital habang naaresto ang driver ng van na si Domingo Lateral.

Sa Sariaya, Quezon, agad ding nasawi ang driver na si Vivecencio Llames Jr., 51, matapos mabundol ng hindi natukoy na sasakyan habang patawid sa highway alas-2:30 Martes ng madaling araw sa Barangay Sampaloc 2.

Patawid ng kalsada ang biktima nang salpukin ng sasakyan na mabilis ding pinaharurot ng driver sa halip na tulungan ang biktima.

Isinugod pa si Llames sa ospital subalit idineklara nang dead on arrival. (Ronilo Dagos)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.