Una sa Balita

2 patay sa pagyanig ng magnitude 7.3 sa Indonesia

0 245

Nag-iwan ng dalawang patay at pagkasira ng daang kabahayan ang pagyanig ng magnitude 7.3 na lindol sa Indonesia noong Linggo.

Ayon kay national disaster agency spokesman Agus Wibowo, dalawang babae ang nasawi sa gumuhong kabahayan, habang higit 2,000 katao naman ang pansamantalang naninirahan sa mga temporary shelter.

Nagdeklara na ng pitong araw na emergency response period ang pamahalaan ng Indonesia kasunod ng nangyaring sakuna na tumama ang sentro sa 166 kilometro timog-silangan ng Ternate, capital ng North Maluku province, at may lalim na 10 km.

Wala pang inilalabas na kabuuang halaga ng pinsala ngunit napaulat na dalawang tulay ang kasamang nasira sa paglindol.

Kabilang rin sa mga malubhang tinamaan ay Sofifi at Labuha na maaari lamang na mapuntahan sa pamamagitan ng 10 oras na biyahe ng barko mula Ternate o ng maliit na eroplano.

Hindi man nagtaas ng tsunami alert, marami rin sa mga residente ang nagtungo sa mataas na lugar sa sentro ng pagyanig.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy