Una sa Balita

2 patay sa heat stroke sa US

By
0 173

Sa ulat ng CNN, natagpuang wala nang buhay sa isang sasakyan ang dalawang matanda sa Santa Clara Country, timog ng San Francisco.

Ayon sa awtoridad, nasa 72-anyos ang matandang lalaki at 87-anyos naman ang matandang babae.

Nasa ikatlong araw nang nakakaranas ang Southwest United States ng ‘heat wave’ dahilan upang manatili ang mga residente sa kanilang mga tahanan at makansela ang ilang flights rito.

Matatandaang nagkaroon ng ‘heat wave’ sa mga bahagi ng Colorado, Utah, New Mexico at Arizona kung saan nagdulot ito ng pagkansela ng 20 flights sa Phoenix Sky Harbor International Airport at nagkaroon naman ng delays sa McCarran International Airport sa Las Vegas.

Babala pa ng mga awtoridad na asahan pang umakyat ang temperatura sa mga nasabing bahagi ng Amerika na maaaring umabot sa 155 degrees Fahrenheit o 66 degrees Celsius.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy