Una sa Balita

2 paslit inagawan ng cellphone

0 443

TINAPAY palit cellphone ang ginawang­ modus ng isang bakery worker matapos agawin ang cellphone ng dalawang­ paslit at bigyan sila ng tinapay kahapon ng madaling-araw sa Barangay Tañong, Marikina City.

Sa nakalap na report sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Micah Gumarao y Nocete, 24, bakery worker, taga-Marikina City.

Sa imbestigasyon ng Marikina Police, nagsumbong sa barangay sina Dharwin John Medina, 29, legal officer at Kelly Nicole Gregorio, 24, matapos nakawin ng suspek sa cellphone ng dalawang paslit.

Naganap ang insidente alas-tres Biyernes ng hapon habang naglalaro ng cellphone ang dalawang biktima na isang 5-anyos at 6-anyos sa labas ng kanilang bahay.

Ayon sa kaanak ng dalawang bata, umuwi ang dalawa na umiiyak at sinabing kinuha ni Ate Micah ang kanilang cellphone at binigyan sila ng tinapay.

Agad namang nagsumbong sa awtoridad ang kaanak kaya nahuli ang suspek ngunit hindi na nabawi pa ang inagaw nitong cellphone. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy