Una sa Balita

2 pasahero sa Japan ship todas sa COVID-19

0 284

NAITALA ang dalawang kaso ng pagkamatay sa Diamond Princess cruise ship, na nakadaong sa Yokohama, Japan.

Ayon sa report ng NHK, dalawang pasahero sa nasabing cruise ship kung saan 620 katao ang na-infect ng Coronavirus Disease o COVID-19 ang nasawi matapos ang dalawang linggong qua­rantine period.

Saad pa sa report, ang dalawang pasahero ay isang babae at lalaki na nasa edad 80.

Sa nasabing barko, 3,700 katao ang naka-quarantine, habang 530 dito ay mga Pinoy kung saan 27 na ang naapektuhan ng COVID-19.

Samantala, 500 pasahero ang nakatakdang palabasin na sa cruise ship ngayong Huwebes matapos ang quarantine period na nagsimula noong Pebrero 3, 100 katao naman ang sasakay sa chartered flight pabalik sa kani-kanilang bansa.

Nitong Miyerkoles ay nagpalabas na rin ng pasahero sa Diamond Princess para sa mga nagnegatibo sa COVID-19.

Mananatili ang mga nagpositibo sa COVID-19 pati na rin ang mga crew sa barko. (RP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More