2 parak kinidnap ng NPA

By

Bihag ngayon ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang dala­wang pulis matapos na dukutin sa bayan ng Placer sa Surigao del Norte kamakalawa ng hapon.

Ayon sa pulisya, dinakma umano ng mga armadong sakay ng dalawang van sina PO2 John Paul Doberte at PO2 Alfredo Degamon Jr. habang nasa duty.

Natagpuan naman ang van sa Barangay Mabini sa naturang ba­yan na service ng mga pulis.

Hinihinalang ninakaw ng mga rebelde ang naturang van upang magamit sa kanilang pagdukot kina Degamon at Doberte.

Hindi pa mabatid kung ano ang kinahantungan ng mga dinukot na pulis at wala pang inilalabas na anumang pahayag ang NPA ukol dito.

Gayunman ay ilang beses nang nagbabala ang pulisya na paiigtingin ang opensiba ng pamahalaang Duterte matapos na ibasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa mga komunista dahil sa patuloy nitong atake sa iba’t ibang panig ng bansa.

SHARE